10

Feb 20, 2021 @ 19:26
By

National Library magbubukas na sa Peb. 22

Magiging “first come, first served basis” ang pagpapa-reserve para sa reopening ng National Library of the Philippines (NLP) sa Pebrero 22.

“Starting Feb. 22, the National Library of the Philippines is pleased to announce the opening of its Readers Service. For safety precautions, the library will be following the ‘new normal’ operational procedures,” anunsyo ng NLP sa Facebook.

Kailangang magpa-book ng appointment sa bit.ly/nlp-online-appointment, isang araw bago ang nakatakdang pagpunta sa pambansang silid aklatan.

Dapat ding magsulat sa health declaration form bago maproseso ang booking request.

Matapos makumpirma ang appointment, bibigyan ang bawat bibisita sa National Library ng isang unique library user reservation code pati na itinalagang seat number na ipepresinta bago pumasok sa NLP.

Hanggang 94 na bisita lamang ang papayagang makapasok sa NLP kada araw at kailangang nakasuot ng face mask at face shield.

Bukas ang reading room mula 9AM hanggang 3PM.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?