55
National land use act ihihirit ni Duterte sa 18th Congress
Jul 22, 2019 @ 14:30
By

National land use act ihihirit ni Duterte sa 18th Congress

Isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng 18th Congress ang pagpasa sa National Land Use Act.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na matagal ng isinusulong sa Kongreso ang nabanggit na panukalang batas subalit laging napag-iiwaan at hindi maipasa-pasa.

Ayon kay Andanar, ang National LAnd Use Act ang magiging susi para malutas ang mga hindi matapos-tapos na gusto sa mga lupain ng gobyerno pati na kung sino ang mga dapat na makinabang dito.

” Ito po iyong batas na magiging solusyon doon sa land conflict. Kasi it’s been for how many decades na hindi po nasosolusyunan na—wala po tayong National Land Use Act,” ani Andanar.

Inaamag na aniya ang panukalang batas sa mga nagdaang Kongreso kaya panahon na para mapagtuunan ito sa 18th Congress.

Isa sa mga nagsulong sa panukalang batas ay si senador Miguel Zubiri noong 15ht Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?