97

By

National ID walang bayad – PSA

Sharing is caring!

Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na walang babayaran para sa pamamahagi ng ‘PhilID’, ang national identification card.

Sa abiso na inilabas ng ahensiya noong Disyembre 12, ang sinuman o anumang grupo na maniningil ng bayad para sa PhilID card ay hindi konektado sa ahensiya.

Ang PSA ang pangunahing ahensiya na magpapatupad ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act o PhilSys Act.

Sinabi pa ni Civil Registrar General Lisa Grace Bersales na hindi pa sila nagsimula ng pagpa-rehistro para sa PhilID kayat wala pa dapat nanghihikayat at naniningil ng bayad para sa national ID.

Noon pang Agosto napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas at layon nito na mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.

Sa susunod na taon magsisimula ang five-year implementation ng batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?