32

Sep 16, 2021 @ 17:58
By

National ID ‘wag ipost sa socmed – PSA

Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na huwag ipost sa social media ang kanilang national ID.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, ito ay dahil maaari itong pekein ng ibang tao.

“Alam mo iyong iba masyado silang excited kapag natanggap nila iyong kanilang PhilID, so pinipiktyuran nila, pinu-post nila. Please lang po huwag po ninyong gawin iyan, ang ating ID is something na dapat tinatago at hindi po ini-expose,” pahayag ni Bautista noong Miyerkoles.

Ayon sa PSA, nasa 1.7 milyon Pilipino na ang nakuha ang kanilang national ID.

Gayunpaman, nagbabala si Bautista na matinding kaparusahan ang naghihintay sa mahuhuling namemeke ng nasabing ID.

“We look into at magpa-file ng mga kaso para doon sa madi-discover namin… na mayroon kaming basehan na ito ay mga pekeng ID na pinresent nila,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?