583

Nov 8, 2017 @ 16:41
By

National ID system, solusyon sa krimen — PNP

Pinag-iisipan ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung paano masosolusyunan ang mga krimen gamit ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa bansa.

Ito’y matapos ang pagkakapatay kay Gerardo Maquidato Jr., ang Grab driver na pinatay mismo ng kanyang pasahero gamit ang TNVS na Grab.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, sa ngayon ang nakikita niyang solusyon sa pagresolba sa krimen ay ang pagkakaroon ng national ID system.

Ito ay upang agad na matukoy ng PNP ang gumawa ng krimen sa pamamagitan ng national ID nang sa ganun magkakaroon ng mapayapang Pilipinas.

“Solusyon natin diyan ay national ID system, sana magkaroon na para everyone will be identified at ‘yung corresponding na gagawin nilang activities ay mati-trace natin, so that will lead to peaceful Philippines,” sabi ni Dela Rosa.

Pero dahil hindi pa naisasabatas ang pagkakaroon ng national ID system, aminado ang hepe na nahihirapan silang solusyonan ang mga ganitong uri ng krimen lalo’t cyber world na ang panahon ngayon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?