37

Dec 5, 2017 @ 15:13
By

National ID System, hindi labag sa right to privacy – Drilon

Ginarantiyahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi lalabagin sa sa minamadaling national ID system ang karapatan sa privacy.

Magkakaroon umano ito ng kaukulang safeguard para hindi magamit sa pag-abuso.

Ipasisiguro naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi mapapasok ng hackers ang gagamitin nitong teknolohiya para sa national ID.

Sa inisyal na pagdinig ng Senado ukol sa panukala, ipinagmalaki ng PSA na kahit minsan, hindi pa sila nabiktima ng hacking.

Sa national ID system, layong bigyan ng reference number ang bawat isa sa higit 110 milyong Pilipino.

Gagamitin ito para sa mas mabilis na transaksyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno at upang hindi na magkakaiba pa ang ID sa bawat ahensya.

Sa ngayon, sari-saring ID ang kailangang kunin dahil kani-kanyang isyu nito ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng GSIS, SSS, LTFRB, NBI, Philhealth, COMELEC at Philpost. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?