155

Jul 8, 2018 @ 15:40
By

National Feeding Program, hinahanapan na ng pondo

Tiniyak ni House appropriations committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na mapopondohan ang pag-uumpisa ng national feeding program para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Kasunod ito nang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”

Sabi ni Nograles na isa rin sa pangunahing may-akda ng bagong batas, ngayon pa lamang ay kinukwenta na nila kung magkano ang kakailanganing pondo para sa programa at kung saan ito kukunin.

“Just like what we did when we sourced the needed funding for the implementation of the free higher education law, we would certainly need to work overtime to be able to find the money for our national school feeding program. This is a very important component of President Duterte’s anti-poverty campaign so we are fully committed to make it happen as soon as possible,” ayon kay Nograles.

Nakikipag-ugnayan na anya sila sa Department of Budget and Management (DBM) para sa 2019 budget at sa 5-year plan. Pero binanggit nito na ngayong 2018, ang halagang inilaan para sa school feeding program ng DEPED ay P5.3 Billion at ang supplemental feeding program naman sa ilalim ng DSWD ay pinondohan ng P3.4 billion.

Layon ng national feeding program sa bawat public day care, kindergarten at elementary school sa buong bansa na labanan ang malnutrisyon sa mga batang Pilipino.

Sa ilalim ng batas, obligado ang gobyerno na magpakain sa mga mag-aaral sa paaralan mula day care hanggang Grade 6. Kasama rin sa programa ang pagsasagawa ng health examinations, pagbabakuna at deworming. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?