152
National dengue alert itinaas ng DOH
By

National dengue alert itinaas ng DOH

Sa kauna-unahang pagkakataon, dineklara ng Department of Health ang ‘National Dengue Alert’ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Mula Enero ngayong taon hanggang sa katapusan ng Hunyo, umabot na sa 106,630 ang kaso ng dengue sa Pilipinas.

Ito ay mas mataas ng 85 porsyento kumpara noong 2018.

Saad din sa datos ng DOH, 456 na ang namamatay dahil sa dengue at karamihan dito ay kabataang edad 5 hanggang 9 na taong gulang.

Kasama sa mga idineklarang epidemic ang dengue ay sa rehiyon ng Mimaropa, Central Visayas, Western Visayas at Northern Mindanao.

Samantala, ang mga lugar naman ng Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region ay nanganganib na ring ideklarang epidemic ang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?