12

By

National Deafness Awareness week ipinagdiwang

Sharing is caring!

Pinasinayan ang National Deaf Awareness Week na may temang ‘With Sign Language, everyone is Included!’ sa pangunguna ng Philippine Federation of Deaf.

Nagsimula ang pagdiriwang kahapon, Nobyembre 10 sa Lobby ng Mandaluyong City Hall.

Maraming aktibidades ang isinagawa para sa mga bingi, nariyan ang Mr. and Ms. Deaf Philippines at dance performance mula sa iba’t ibang organisasyong sumusuporta rito.

Ang pag-obserba ng Deaf Awareness week mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 16 ay ayon sa Proclamation No. 829 na nilagdaan noong Nobyembre 8, 1991 ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ito ay upang makapagbigay tuon sa kamalayan ng publiko ukol sa deafness prevention and rehabilitation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?