42

Jul 22, 2019 @ 16:16
By

National Cycling C’ships, raratsada sa Tagaytay

Papadyak sa Martes at Miyerkoles ang 2019 National Road Cycling Championships sa Tagaytay City.

Ipiniprisinta ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Tagaytay City, papadyak ang National Championships Men, Women Elite at Junior categories sa individual time trial at team time trial races.

Dadaanan ng mga siklista mula sa Tagaytay ang mga munisipyo sa Batangas, Nasugbu, Tuy, Lemery, Agoncillo, Balayan, Lian, Talisay, Calaca at Laurel.

Pangungunahan ni PhilCycling president Abraham Tolentino ang mga competitor kasama si Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino katuwang rin ang Ube Media Inc-Le Tour de Filipinas at suportado rin ng One LGC, Air21, Go For Gold, Bike X Singapore at 7-Eleven Cliqq Air21 by Roadbike Philippines.

Magsisilbi rin itong dry run para sa 30th Southeast Asian Games cycling competitions na gaganapin sa bansa.

“With close to 300 riders joining the national championships, it goes to show that competitive cycling is very much alive in the Philippines,” pahayag ni Tolentino.

Kikilalanin rin ng PhilCycling ang mga cycling stakeholder ng bansa na sina Alberto Lina (Air21-Le Tour de Filipinas), Ernesto ‘Judes’ Echauz (Standard Insurance), Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, Jose Victor ‘Vic Paterno (7-Eleven), Fernando ‘Dino’ Araneta (LBC Ronda Pilipinas), Pablito ‘Bong’ Sual (Roadbike Philippines), Jeremy Randell Go (Go For Gold), Paquito Rivas at Singaporean Vincent Leow (Bike X).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?