62

By

National Coconut Week, simula na

Batay sa Proclamation No. 142 noong 1987, simula na ng ika-33 National Coconut Week ngayong araw, Agosto 24, hanggang Agosto 30.

Dahil dito, iba’t ibang pagtitipon ang mangyayari sa selebrayon na pinamagatang “Niyog Arugain, Produkto Tangkilikin” na makikita sa Facebook page na @NationalCoconutWeek.

Gaganapin ang ikalawang World Coconut Congress Trade Fair and Exhibit sa Agosto 27 hanggang 29, alas-diyes ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, sa SMX Convention Center, MOA Annex, Pasay City.

Mayroon ding “Sustainable Certified Coconut Oil Production Project National Learning Event” nitong Setyembre 3 sa PICC, Pasay City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?