8

Sep 15, 2021 @ 13:26

National budget dapat makasabay sa COVID – Angara

Kailangan umanong magkaroon ng ‘flexibility’ sa proseso ng taunang pagsumite ng national budget para panatilihin ang pabago-bagong kahilingan at sitwasyon sa ground sa panahon ng pandemya.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Sen. Sonny Angara na karamihan sa mga requirement ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at hindi nakasaad sa sipi ng national budget na isinumite sa Kongreso, partikular ang mga kinalaman sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa Development Budget Coordinating Committee briefing sa Senado sa P5.024 trilyong national budget para sa 2022, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na walang probisyon para sa pagbabakuna ng mga menor dead, special risk allowance para sa health workers, at iba pang item na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 variants.

“With the emergence of Delta and the other COVID variants, the requirements of our frontline agencies are constantly moving. The situation is changing rapidly and so must our processes pertaining to the submission of the national budget,” sabi ni Angara.

Sa ilalim ng Konstitusyon, dapat isusumite ng Presidente sa Kongreso ang panukalang national budget sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular session o kaya’t sa ikatlong linggo ng Agosto kada tao.

“The agencies are required to submit their budget proposals early on so that the DBM will be able to prepare the voluminous document and have it ready for submission to Congress by the third week of August. Given this situation, it is understandable that a lot of key expenditures are not captured in the budget document,” ani Angara.

“Agencies should be allowed to submit revisions to their proposed budgets to reflect new developments brought about by the pandemic. The spread of COVID has been rapid and our budget must be able to keep up with it,” dagdag nito.

Sa pondo para sa vaccination program, sinabi ng DBM na sa panukalang 2022 national budget, nakalagay doon na popondohan lang ang pabili ng booster shot para sa mga indibidwal na nakumpleto na ang bakuna. Nagkakahalaga ito ng P45 bilyon sa ilalim ng unprogrammed fund at hindi para sa pagbabakuna ng mga bata na may edad 12 hanggang 17.

Noong Hunyo lamang inamiyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization para sa Pfizer-BioN Tech vaccine para sa pagpapabakuna ng 12 hanggang 15 anyos ng mga bata.

Nitong kaagahan ng Setyembre naman ipinagkaloob ng FDA ang emergency use authorization para sa paggamit ng Moderna vaccine para sa 12 hanggang 17 anyos.

Sinabi naman ni DBM OIC Tina Canda sa DBCC briefing na magkakaroon ng adjustment sa panukalang budget lalo na sa Department of Health. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?