22

Oct 13, 2021 @ 19:33
By

National boxing coach nagretiro na

Magpapahinga na bilang coach ng national boxing team si Nolito ‘Boy’ Velasco.

Aprubado na umano ng mga opisyal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang pagreretiro ni Velasco na epektibo sa katapusan ng taon.

Ang 58-anyos na trainer ay maglalaan na umano ng sapat na oras sa kanyang pamilya.

Si Nolito ay nakatatandang kapatid ng Olympic medalists ng boxing na sina Roel at Onyok.

Nagwagi si Roel ng bronze noong 1992 Olympics habang silver naman kay Onyok noong 1996.

Instrumental din umano si Velasco sa paggabay sa karera ng unang babaeng Olympic boxing medalist ng Pilipinas na si Nesthy Petecio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?