13
holy-bible1
By

National Bible Day, aprub sa Kamara

Sharing is caring!

Lusot na sa House Committee on Revision of Laws ang panukalang naglalayon na ideklara ang huling araw ng Lunes sa buwan ng Enero kada taon bilang special working holiday na tatawaging “National Bible Day.”

Ang House Bill 7125 ay iniakda ni Saranggani Rep. Rogelio Pacquiao na kapatid ni Senador Manny Pacquiao.

Nais ni Cong. Pacquiao na ma-engganyo ang mga Pilipino na palakasin ang moralidad at pananampalataya.

Nakasaad sa panukala na bilang Kristiyanong bansa, kinikilala sa Pilipinas ang kahalagahan ng Bibliya bilang pundasyon ng pananampalataya.

“At the core of the Christian belief is the Bible; its Holy Book, Sermons, and Homilies of Christian churches dwell on its teachings. It forms and transforms the lives of people across generations,” sabi ni Pacquiao.

“It serves as the foundation of spiritual, moral and social fiber, molding a socially responsible citizenry and a strong nation,” dagdag ng kongresista.

Sinabi pa ng mambabatas sa kanyang bill na ang kahalagahan ng Bibliya ay kinilala maging nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Corazon Aquino at Fidel Ramos sa Presidential Proclamations 2242, 44, at 1067.

“The proclamations were instrumental in establishing the last week of January of every year as the ‘National Bible Week,'” ani Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?