cirilo-bautista

National Artist Cirilo Bautista pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na si National Artist for Literature Dr. Cirilo F. Bautista sa edad na 76.

Kinumpirma ito ng De La Salle University Department of Literature sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Linggo.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang UST kung ano ang ikinasawi ni Bautista.

Si Bautista ay nagtapos bilang magna cum laude sa University of Santo Tomas (UST) AB Literature program at literary editor ng Varsitarian, ang official publication ng unibersidad.

Iginawad ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang karangalan kay Bautista noong 2004.

Siya ang nasa likod ng mga aklat na Summer Suns (1963), Words and Battlefields (1998), The Trilogy of Saint Lazarus (2001), at Galaw ng Asoge (2003).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?