84

By

Nathalie Hart ibinulgar ang naging real score kay James Reid

Sharing is caring!

Matagal nang usap-usapan ang umanoy nakaraan nina Nathalie Hart at James Reid. Muling naging paksa ito nang naging guest sina Nathalie at Roxanne Barcelo sa ‘Gandang Gabi Vice’.

Bahagi ng portion ng talk show ni Vice ang pagbibigay ng reaction ng dalawang aktres sa mga litrato ng mga aktor. Dapat ay i-rate nina Nathalie at Roxanne kung Keriboomboom, kapag bet nila or carry yung actor o Wititit kapag hindi nila bet.

Unang ipinakitang photo ay si JC de Vera, tapos ay si Will Devaughn, then si James Reid. Keriboomboom si Nathalie kay JC, pero Wititit siya kay Will dahil hindi raw siya mahilig sa kalbo.

Nang ipakita ang photo ni James ay nagtilian ang audience at nakigaya sina Nathalie at Raxanne.

Nang nagsalita si Nathalie, sinabi niyang “Crush kasi ni Rox iyan.”

Na sinagot naman ni Roxanne nang, “Talaga? Iyong totoo, iyong totoo na lang.”

Tapos ay nag-dialogue si Nathalie nang, “Wititit iyan sa akin. Wala, wala…”

Dito’y nagtanong si Vice kay Nathalie, “May past kayo ni James Reid? Mawalan man ng career?”

Na ang naging sagot naman ni Nathalie ay, “Wow…”

Dagdag pa ni Nathalie, “Guwapo iyang si James, mabait iyang tao.”

Kaya nagtanong si Vice, “Akala ko ba mabait, guwapo, eh bakit Wititit?”

Nakangiting reaction naman ng sexy actress, “O Sige, carry na nga lang, para close kami.”

Actually, ilang buwan na ang nakalipas ay natanong na rin si Hart kung naging sila ni James dahil sa litratong kumalat na nagpapakitang hinalikan ni James si Nathalie sa cheek.

Subalit itananggi ito ng sexy actress. Paglilinaw ni Nathalie, “Picture-picture lang iyon. It was a birthday, we were all there roon sa bahay nila and it was such a big scandal for everyone, and that was so long ago! My god, 26 years old na ako! I’m such a lola! Kalimutan ninyo na!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?