16

By

Nathalie Hart ‘di napigilang umiyak sa harap ng press

Sharing is caring!

Kahit medyo malaki na ang tummy ni Nathalie Hart ay um-attend siya sa media launch ng ‘Abay Babes’ show kung saan kasama siya.

Hindi niya naiwasang maiyak habang iniinterbyu dahil sa sunod-sunod daw ang swerteng dumating sa kanyang buhay.

Pinasalamatan niya ang buong pamilya at Indian boyfriend na very supportive sa kanya lalo na at nasa maselan siyang kalagayan.

“I get so emotional, parang nagkasabay-sabay lahat and then I’m working too, parang it’s just hard to… I’m just overwhelmed,” umiiyak niyang sabi.

Pansamantala munang magpapahinga sa showbiz si Nathalie. Aasikasuhin niya at ng Indian bf ang kanilang civil wedding para sa Disyembre.

Pinaghahandaan na rin ng sexy-actress ang pagdating ng kanilang baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?