14

Apr 15, 2021 @ 10:09
By

Natanggap na ayuda ng kelot pinangshabu umano

Pinosasan ang isang lalaki sa Quezon City matapos lumabag sa curfew at umano’y mahulihan ng iligal na droga.

Kinilala ang lalaki na si Joven Llera.

Sabi ng mga opisyal ng barangay, sa ulat ng GMA, ang perang pinambili ng shabu ng suspek ay nagmula raw sa P1,000 ayudang tinanggap nito.

Itinanggi naman ni Llera na galing sa ayuda ang pambili niya, pero inamin niyang sa kanya ang sachet ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?