200

Nov 13, 2020 @ 19:58
By

Natalo sa ending nagalit! Nambatac, dyowa tinakot ng death threat

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang Rain or Shine player na si Rey Nambatac at dyowa nitong si Keisha Ancheta dahil sa natanggap na death threat mula sa isang netizen.

Ito’y matapos na maasar ang isang netizen dahil sa pagtira ni Nambatac sa dulo ng laban nila kontra Phoenix kahit pa talo na sila.

Dahil sa tres ni Nambatac ay nabago ang iskor, 90-88, at isang mananaya sa ending ang natalo dahil dito.

“May nagalit lang po bakit shinoot ko, eh no bearing naman daw. Talo daw kasi sa sugal sa ending ng basketball,” lahad ni Nambatac, na dinepensa naman ni Tulfo dahil trabaho ito ng player.

Natakot din si Nambatac dahil alam ng naturang netizen ang address ng kanyang girlfriend, at nagbanta na may mangyayari umanong masama dito habang nasa PBA bubble siya.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1750650558435195&id=279342472232685

Dahil dito, kinausap ni Tulfo ang may-ari ng account na si Nesar Dumalagan Jr, ngunit nilinaw nito na na-hack ang kanyang account sa Facebook.

Nagpakita rin ito ng blotter at reklamo sa National Bureau of Investigation para patunayang may ibang gumagamit ng kanyang account.

Dahil dito’y hihintayin na lang muna nina Tulfo at Nambatac ang imbestigasyon ng NBI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?