346

Nov 26, 2021 @ 16:11
By

Natalo nga sila kay PNoy: PDDS hindi takot sa Marcos-Duterte ‘Uniteam’

Hindi natatakot ang partidong sumusuporta sa presidential bid ni Senador Bong Go sa “Uniteam” coalition, kung saan apat na political party ang nagsanib-puwersa para suportahan sina Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 elections.

“Natalo nga sila kay PNoy eh sama-sama din sila noon natalo sila,” pahayag ni Grepor Belgica, national adviser ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Sa kabila nito, tiwala si Belgica na hindi aatras sa presidential race si Go.

“He is preparing for his campaign, talking to people, pushing his advocacy about healthcare and everything,” saad pa ni Belgica sa online press conference nitong Biyernes.

Kahapon sinabi ni Go na pinag-iisipan pa niya kung aatras o hindi sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Aniya, handa siyang magsakripisyo para wala nang maipit, masaktan at mamroblema, at hindi mahirapan si Pangulong Rodrigo Duterte at mga supporter niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?