28

Feb 9, 2021 @ 17:47

Natalia Bryant model na

Isa nang ganap na modelo ang panganay na anak ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant matapos nitong pumirma ng kontrata sa isang talent management sa New York, USA.

Ayon sa ulat, hawak na ng IMG Models si Natalia Bryant.

Ibinahagi naman ng modelling agency ang magandang balitang ito sa kanilang Instagram.


“I have always been interested in fashion since a very young age. I have a love for the industry and ever since I can remember I wanted to model,” ani Natalia sa qoute ng naturang post.

“There is a lot to learn but I feel this is a great opportunity for me to learn and express myself creatively.”

Nagpakita naman ng suporta ang ilang personalidad sa 18-anyos na bagong model.

“@marthahunt Welcome to the fam gorgeous.”

“@brianbowensmith awesome Nani.”

“@gigihadid WELCOME ANGEL.”

“@fencer WELCOME TO THE FAMILY.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?