12

Aug 23, 2020 @ 12:45

Natakot sa COVID-19! 257 OFW sa Uzbekistan inuwi ng DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating nitong Sabado ng gabi, Agosto 22, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 257 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Republic of Uzbekistan sa pamamagitan ng isang charted flight.

Sakay ang mga nasabing OFW ng Philippine Airlines Flight (PAL 8668). Sabi ng DFA, ito ang kauna-unahang repatriation flight na kanilang isinagawa sa nasabing Central Asian country.

Ayon sa DFA, karamihan sa mga ito ay documented overseas contract worker na nagtatrabaho sa iba’t ibang kompanya sa Uzbekistan.

Nagpatulong umano ang mga nasabing OFW na makauwi na dahil sa takot na mahawa ng COVID-19 sa kanilang mga pinapasukang kompanya sa Uzbekistan.

Ipinahayag naman ni DFA Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola na hindi naging madali ang pagpauwi sa 257 OFW dahil walang embahada o kahit na honorary consulate ang Pilipinas sa Uzbekistan.

“In addition, there is a total lockdown. This means commercial flights are also prohibited,” ayon pa kay Arriola.

Tiniyak din ng DFA na sasailalim sa medical protocol ang mga umuwing OFW) katulad ng quarantine procedure alinsunod sa Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?