661

Jun 21, 2020 @ 18:25
By

Natago pagbubuntis: Sofia Andres may baby na!

Ginulantang ni Sofia Andres ang showbiz world matapos nitong kumpirmahin na siya’y may anak na sa race car driver na si Daniel Miranda.

Sa Instagram post ng aktres, pinakita nito ang kanyang baby kay Daniel, na sakto sa selebrasyon ng Father’s Day.

“I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that, you also been part in giving me my greatest happiness—our little angel,” ayon sa Kapamilya actress, na dati nang may rumor na buntis ngunit hindi nakumpirma.

“Right now I really feel complete, because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times. Shout out to all the fathers in the world, Happy Father’s Day!” aniya pa.


Ilan sa mga celebrity na bumati sa motherhood ni Sofia ay sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto at Jessy Mendiola.

Samantala, sa Instagram post din ni Daniel ay makikitang karga-karga niya ang anak nila ni Sofia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?