52

Feb 23, 2020 @ 18:05
By

Natabunan ng saku-sakong asukal, kargador patay

Patay ang isang kargador habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan at matabunan ng saku-sakong asukal sa storage area ng isang milling company sa Victorias City, Negros Occidental.

Nakilala ang nasawi na si Rico Segurida, 41-anyos habang sugatan naman ang dalawnag kasamang kargador na sina Ian Malana at Roland Romalis, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon kay Police Lt. Col. Eduardo Corpuz ng hepe ng Victorias Police, posibleng nagalaw ang pundasyon ng patung-patong na sako na naging dahilan ng pagbagsak nito at hindi inaasahang matatabunan ang tatlong biktima na pawang mga trabahador ng Victorias Milling Company.

Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang Victorias Police kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Segurida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?