65

Oct 17, 2021 @ 17:55
By

Nasobrahan sa punas! Anak ni Iya naimpeksyon balat

Nagbabala si Iya Villania-Arellano sa ibang mga magulang na bantayan ang kanilang maliliit na anak sa lalo na sa mga pinupunas ng mga ito sa kanilang katawan.

Ito ay matapos magkaroon ng cellulitis ang anak nina Iya at Drew Arellano na si Primo.

Kwento ni Iya sa kanyang IG post, nakaugalian ni Primo na punasan ang ilong ng saline wipes.

Nagtaka na lamang umano sila Iya nang makita nila na namumula at namamaga ang taas ng bibig ni Primo, na marahil ay dahil nasobrahan ang bata sa pagpupunas ng kanyang bibig.

“He wiped so much that eventually the area around his nose got so red and inflamed,” saad ni Iya. “Our doc called it out as cellulitis and that if it worsened that he’d have to be admitted as the infection might approach the brain.”

Mabuti na lamang at alerto sina Iya at Drew at naagapan agad ang cellulitis ni Primo.

“Thank God he didn’t have to be admitted and looks like we’re recovering,” wika pa ni Iya. “But just wanted to give the mamas and papas a heads up coz as much as we want our children to learn to be independent, we never want to see them in a situation like this.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?