286

Dec 20, 2017 @ 14:30

Nasibak sa trabaho, call center agent nag-suicide

Dahil sa matinding depresyon bunsod ng pagkatanggal sa trabaho, isang call center agent nang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas 5:00 pasado ng madaling araw nang matagpuan ang biktimang si Greme Oris, 26 anyos, may asawa at residente ng Estrella Homes, Barangay 169 ng nasabing lungsod.

Gumamit ito ng nylon sa pagbigti, sabi ng mga pulis.

Sabi ng misis ng biktima na si Gisette Alparo Oris, labis umanong dinamdama ng kanyang sawa ang pagkatanggal nito sa kanyang trabaho bilang call center agent.

Natagpuan ang suicide note sa silid ng biktima, ayon sa mga imbestigador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?