69

Sep 22, 2021 @ 13:08
By

Nash tatakbong konsehal sa Cavite?

Usap-usapan ngayon sa online world ang pagtakbo umano ni Goin’ Bulilit star Nash Aguas bilang konsehal ng Cavite City.

Makikita kasi sa litratong kumalat ang panunumpa ng aktor kasama ang Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas–CMD) party.

https://www.facebook.com/1587016801537460/posts/2864340303805097/?d=n

Ayon sa inisyal na ulat, kasama ang 22 anyos na aktor sa lineup ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua na siyang tatakbo bilang mayor ng lungsod.

Samantala, kasalukuyang wala pang komento rito si Nash. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?