294

Oct 24, 2018 @ 17:24
By

Nash, Sharlene, CJ, Kristel, Kiray, tampok sa ‘Class of 2018’

Muling nagkasama sa pelikulang ‘Class of 2018’ ang mga dating child stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis na nagpakuwela noon sa ‘Goin’ Bulilit’.

Ang istorya ng ‘Class of 2018’ ay nagsimula nang ang Section Zamora ay nagkaroon ng mysterious virus habang nasa field trip. Ang section nila na binubuo ng 24 student ay na-quarantine ng mga militar sa isang abandonadong facility.

Ang mga estudyanteng sina Ada (Sharlene), RJ (Nash), Princess (Kristel), Migs (CJ), at Venus (Kiray) ay kailangang makipaglaban para sa kanilang survival, habang hinaharap nila ang delikadong virus at ang mga kaklaseng hindi mapagkakatiwalaan.

Ang pelikula ay isang teen horror-thriller na pinamahalaan ni Direk Charliebebs Gohetia at handog ng T-Rex Entertainment.

Ang T-Rex Entertainment ang nasa likod ng mga pelikulang ‘Patay na si Hesus’, ‘Deadma Walking’, at ‘Bakwit Boys’. Mapapanood na ang Class of 2018 sa mga sinehan sa November 7.

Kasama rin sa casts ng Class of 2018 sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortuna, Aga Arceo, Shiara Dizon, Hanna Francisco, Justin de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Servilla, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?