41

Oct 14, 2021 @ 12:32
By

Nash Racela may trabaho agad, balik UAAP

Matapos sibakin bilang coach ng Blackwater Bossing sa PBA, sunod na destinasyon ni Nash Racela ang Adamson Soaring Falcons.

Kinumpirma ito ng ulat ng Spin.ph.

Bagamat notorious si Racela sa 19-game losing streak ng Blackwater, subok naman ang kakayanan niya sa UAAP kung saan tinulungan niya ang FEU Tamaraws na magkampeon noong 2015.

Samantala, papalitan ni Racela sa upuan ng Adamson si Franz Pumaren.

Dala rin niya sa paglipat sa Falcons ang mga assistant coach sa Blackwater na sina Ryan Betia, Gilbert Lao, Rommel Adducul at Benjie Sipin. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?