29

Sep 4, 2020 @ 0:37

Nash kinuhang coach ng Nets

Mas pinahalagahan ng Brooklyn Nets ang kredensiyal bilang player ni Stephen John ‘Steve’ Nash kay star forward Kevin Durant kaysa sa mga beteranong coach.

Kaya ang National Basketball Association (NBA) Hall of Famer guard, two-time Most Valuable Player, eight-time All-Star at journeyman, ang hinirang nitong Miyerkoles na 27th coach ng prangkisa, pinalitan ang bumalik sa assistant coach na si Jacque Vaughn.

Patungo sa coaching job may limang taong nanilbihang part-time player development consultant sa Golden State Warriors ang 46-anyos at may taas na 6-3 kasama ang may tatlong season doong si Durant, na lumipat lang sa Nets noong 2019.

Tumulong si Nash sa dalawangtitulo ng Warriors at napaabot sa ang team sa apat na Finals.

Sapul nang mag-retiro ang 18-year pro veteran tapos ng 2013-14 season, marami nang alok sa Canadian na coaching job. Pero tinatanggihan lahat ni Nash giniit, na saka na lang aniya kapag malalaki na ang limang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?