31

Feb 18, 2018 @ 11:10

Nash, Kidd kasama sa Hall of Fame finalists

Kabilang sina two-time NBA MVP Steve Nash, 10-time NBA All-Star Jason Kidd, two-time NBA champion Ray Allen at two-time NCAA champion Grant Hill sa anim na first-time finalists para sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

Ang 13 overall finalists ay inihayag nitong Sabado kasama sina five-time All-Star Chris Webber, four-time All-Star Maurice Cheeks, three-time Olympic gold medalist Katie Smith at four-time WNBA champion Tina Thompson.

Sina Smith at Thompson ay parehong first-time finalists din.

Kasama rin ang mga finalists na sina Charles “Lefty” Driesell, ang nag-iisang coach sa kasaysayan ng NCAA na tinanghal na coach of the year sa apat na magkaibang conferences; Kim Mulkey, na two-time champion coach ng Baylor; at Rudy Tomjanovich, na dalawang beses na nag-champion sa Houston Rockets.

Kasama din sa listahan ang longtime NBA official Hugh Evans. Ang tanging team finalist na nakasama ay ang 1953-58 Wayland Baptist University squads, na nanalo ng 131 sunod na laro at nakakuha rin ng apat na AAU championships.

Si Nash ay third all-time leader sa assists (10,335) habang pangalawa naman si Kidd (12,099).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?