53

By

Nash Aguas nagpaiyak muli sa MMK

Sharing is caring!

Napanood niyo ba ang pagganap ni Nash Aguas sa episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’?

Muli na namang umangat ang husay ng aktor sa kanyang role bilang si CJ, na may kapansanan sa pandinig at nakaranas ng depresyon.

Sa kanilang eksena ng batikang aktres na si Eula Valdez, na gumanap bilang kanyang ina, walang salitang narinig, tanging senyas lang ng kamay nina Nash at Eula ang ginamit, pero dama ng mga viewer ang sakit at damdamin ng kanilang mga karakter.

Ipinahayag ng mga viewer ang kanilang komento sa mahusay na pagganap nina Nash at Eula.

Kasama din sa episode si Ariel Rivera na gumanap bilang ama ng karakter ni Nash. Directed ito ni direk Mervyn Brondial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?