186

By

Nash Aguas nag-throwback sa love story nila ni Mika dela Cruz

Sharing is caring!

11 years in the making!

Sa sunod-sunod na post ni Nash Aguas tila pinagsigawan na nito ang kanyang pagmamahal kay Mika dela Cruz.

Nag-throwback ang young actor ng mga larawan na pagkukuwento rin kung paano nagsimula ang kanilang love story ni Mika.

Nagsimula si Nash sa pinakapaborito niyang photo – kung saan, nagsimula din siya sa kanyang ‘the moves’ kay Mika.

View this post on Instagram

Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod. Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko “dyan dati nagtrabaho si mommy”. Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy. Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita😂. Eh wala eh. “Crush” kita nun eh. Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod. Inaagaw ko noon sa GB Cruise yung backpack mo tapos ako magdadala kasi parang may hollow blocks sa bigat kung magimpake si tita. Pero tinatarayan mo ako. Nagpapicture ako sayo noon sa Forbidden City sa GB China tapos takang taka ka. Kasi gusto ko gayahin natin yung pose ni Jayden smith at nung partner nya sa Karate Kid. Tinatarayan mo pa din ako. Tapos kapag games ng Goin Bulilit, nagkaroon ka lang ng maliit na sugat hihilahin kita ng di ako nagsasalita (mala goo jun pyo) tapos lalagyan kita ng betadine at band aid kahit mas malaki pa yung langgam sa sugat mo. Hanggang naging magkaibigan na tayo (SA WAKAS pero mataray ka padin sakin) lagi tayo naglalaro ng Crossfire kasama si kuya Philip. Pupunta tayo kasama sila mommy sa trinoma maglalaro sa timezone. Tapos nung karon ng soap na parehas tayong young doon. Magsleep over kami ni mommy dun sa kwarto mo na punong puno ng libro about witchcraft (mangkukulam levels) tapos sabay tayo pupunta dun sa location. (taga cavite ho kasi ako dati). Hay. Ilan lang to sa mga pinagdaanan namin. Pero nagsimula lahat dahil naglakas ako ng loob na umakbay 😂

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on

Sabi pa ni Nash, “Ilan lang to sa mga pinagdaanan namin. Pero nagsimula lahat dahil naglakas ako ng loob na umakbay.”

Pinatunayan din ni Nash, kung paano magtaray noon sa kanya si Mika.

Sa huling photo na pinost ni Nash, kunuwento na nito ang tila naging malungkot na side ng kanilang story, nang pumunta siya sa US, habang si Mika naman ay lumipat na ng network.

View this post on Instagram

… Tapos nun, nagpunta ako ng US. (2012) Nawalan ng communication Pagbalik ko, awkward na kasi di na kami bata. Ang dami din nangyari. Lumipat sya ng ibang station. Tapos nag move on na kami sa kanya kanya naming buhay. Tapos fast forward noong Dec 2016-Aug2017 (itong part na to alam to ni @igiboyflores31 kasi parehas kaming sawi that time HAHAHA) Ito yung mga panahon na sobrang down ako. Durog yung confidence ko. Durog yung pagkatao ko. Lagi kaming magkasama ni @igiboyflores31 tapos iyakan lang kami ng iyakan HAHA! Tapos aug 2017, parang magic na nakasalubong namin ni mommy, sya at si tita sa Trinoma. Tapos dumating sila @nikkibagaporo @falcofretzie @dori_cel… Tapos ayun. Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin. :]

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on

Pero sa huli, gumawa nga ng tadhana ng paraan para muling magkrus ang kanilang landas at muling maging close sa isa’t isa.

Sabi pa ni Nash, “Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin.”

Sa Abantelliling kinumpirma ni Mika ang kanilang relasyon ni Nash.

Panoorin ang naging tsikahan ni Mika sa Abantelliling:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }