23

Feb 20, 2020 @ 18:14
By

Nascar racer Newman nakikipagharutan na matapos maaksidente

Ligtas na sa kamatayan si Nascar racer Ryan Newman matapos mabiktima ng malalang car crash sa 2020 Daytona 500 nitong Linggo sa Daytona, Florida.

Sa lumabas na litrato sa social media ay makikitang nakakatayo na si Ryan.

Bukod sa kasama niya ang kanilang mga dalagita ay may bitbit na rin siyang ngiti sa kanyang mukha at may bakas ng pag-asa.

Nitong linggo lang ay nadawit sa malagim na car crash si Ryan nang ilang beses bumalentong ang minamaneho niyang kotse.

“Ryan Newman continues to show great improvement after Monday night’s last-lap accident at Daytona International Speedway,” pahayag ng Roush Fenway Racing.

Bukod dito, ayon na rin sa report ay nagagawa nang makipagbiruan ng nasabing racer.

“The veteran driver is fully alert and walking around Halifax Medical Center. True to his jovial nature, he has also been joking around with staff, friends and family while spending time playing with his two daughters.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?