46

Jul 6, 2018 @ 12:44
By

Nasasabat na droga, hindi nire-recycle – Albayalde

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na ang mga nakukumpiska nilang iligal na droga sa police operations ay maayos na naiimbentaryo at hindi nire-recycle.

Ayon sa hepe, ang milyong halaga ng iligal na droga ay nasamsam sa magkakasunod na operasyon ng pulisya dahil na rin sa kampanya laban sa droga.

Aniya, tinitimbang umano ito ng PNP Crime Lab at sakaling kailanganin sa korte ito dapat ang iprisinta.

Nagbabala naman si Albayalde sa mga tiwaling pulis na magre-recycle ng iligal na droga na mapapatawan ang mga ito ng parusa, pero aniya tiwala siya sa PNP Crime Laboratory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?