102

Oct 26, 2020 @ 11:22
By

Nasaktan man, bagong Miss U PH iintindihin na lang mga basher

Naging emosyonal si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo nang magsalita tungkol sa mga kapwa niya kandidato na kinukuwestiyon ang kanyang pagkapanalo.

Sa panayam kay showbiz journalist MJ Marfori, at maging sa Facebook post ng Kapamilya Online World, sinabi ng beauty queen na nasaktan siya sa mga nambabatikos dahil alam niya sa sarili niyang binigay niya ang kanyang makakaya sa timpalak.

“To be honest po, maybe because I wasn’t a front runner so people didn’t expect me to win. And now that I have the crown, I’m sorry, I’m being emotional, they are questioning my capability as a person, as a candidate. But I know that I did everything and anything that I could during that night,” sambit ni Mateo, Oktubre 25 ng gabi.

“And binigay ko talaga, and ‘yung mga nagsasabi na ‘The question was given to me that’s why I answer that way,’ it wasn’t given po sa akin. I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” dagdag niya.

Iintindihin na lang aniya niya ang pinanggagalingan ng kanyang mga kapwa kalahok.

“Of course, it was painful because there are things na you can settle by talking to each other. At the end of the day, this is a competition and, being the bigger person in the picture, I need to understand where they’re coming from,” sey pa ng Ilongga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?