31

Nov 12, 2020 @ 13:22
By

#NasaanAngPangulo trending ulit

Hinahanap muli ng mga Pinoy netizen si Pangulong Rodrigo Duterte, ngayon naman ay habang nananalasa ang Bagyong Ulysses sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Matatandaang noong Nobyembre 1, naging Top 1 hashtag sa Twitter Philippines ang #NasaanAngPangulo, gayong hindi namataan si Duterte sa government press briefing hinggil sa Super Bagyong Rolly na winasak ang Kabikolan at iba pang bahagi ng Luzon. Hindi ito dumalo kahit via videoconference.

11 araw makalipas, naging Top 2 trend ulit ang nasabing hashtag habang hinahagupit naman ni Ulysses ang Metro Manila at iba pang parte ng Luzon.

Sa ngayon ay dumadalo virtually si Duterte sa ika-37 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kasama ang iba pang lider ng Southeast Asia.

Ngayong Huwebes nagsimula ang ASEAN Summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?