78
Nasaan na si Dwight Howard?
Feb 20, 2019 @ 16:04
By

Nasaan na si Dwight Howard?

Matagal nabakante sa larong basketball ang eight-time All-Star na si Dwight Howard, ngunit mukhang malapit na ulit itong masilayan sa hardcourt.

Ayon sa report ni Shams Charania ng The Athletic, balik training na si Howard sa Miyerkoles sa Washington, DC.

Ito’y matapos itong operahan sa spine noong Nobyembre at nagpagaling sa Atlanta.

Siyam na laro pa lang nakakasalang si Howard para sa Wizards, nag-average ng 12.8 points at 9.2 rebounds bago ma-injure.

Makakatulong si Howard para sa Washington lalo’t wala ang kanilang star player na si John Wall, kasalukuyang nasa eight spot tangan ang 24-34 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?