22

Oct 25, 2020 @ 19:43
By

Nasaan na Gilas lineup? Fiba Asia Cup itutuloy sa Bahrain

Sa Nobyembre ay sigurado na ang pagbabalik ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, ngunit wala pa ring anunsyo tungkol sa lineup ng Gilas Pilipinas na isasabak sa naturang torneo.

Ayon sa Fiba, lalaruin ang mga bakbakan sa international league sa mga bubble kada grupo.

Sa Group A—na kinabibilangan ng Pilipinas, Korea, Indonesia at Thailand—dadayo sila sa Bahrain kung saan doon gagawin ang mga laro.

Sa capital city din na Manaman gaganapin ang mga laban sa Group D, na binubuo naman ng Bahrain, Iraq, Lebanon, at India.

“The most important criteria in choosing the hosts were health and travel guarantees and compliance with Fiba health protocols, including testing and controlled entry into a secure environment,” saad ng international basketball federation.

Sigurado na ang venue, ngunit hanggang ngayon ay wala pang nilalabas na listahan ng roster o kahit coaching staff para sa Gilas Pilipinas.

Hindi maaaring magpadala ng mga PBA player ang Gilas dahil kasalukuyang gumugulong ang season ng local league na tatakbo ng dalawang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?