706

Apr 1, 2020 @ 14:01
By

Nasaan awa mo? Mga netizen muling nabanas kay Belmonte

Tuktok na naman ng trending list si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos na magbarikada ang mga residente ng Sitio San Roque dahil sa matinding gutom.

Nitong Miyerkoles ay nagsama-sama ang ilang katao para manawagan ng tulong sa gobyerno dahil hanggang ngayon sa ikatlong linggo ng enhanced community quarantine ay hindi pa umano sila nababahagian ng tulong.

Pumunta ang pulis mula sa Quezon City Police District para i-disperse ang mga residente, na nauwi sa habulan at inaresto at pinosasan pa ang nasa 10 katao na sumama sa barikada.

Saad ng isang residente, hindi naman sila naghahanap ng gulo ngunit talagang wala na silang makukuhanan ng pagkain.

Aniya pa, pinili lamang umano ang mga pamilyang binigyan ng relief goods kaya nangalampag ang mga residente.

Sa social media ay naghimutok ang mga netizen sa alkalde ng Quezon City dahil sa nangyaring panlilimos ng tulong ng mga taga-Sitio San Roque.

Pinuna din ng mga netizen ang ginawang paghuli sa mga residente, na sana’y binigyan na lamang umano ng tulong kaysa umabot pa sa pag-aresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?