58

Dec 14, 2017 @ 10:59
By

Nasa likod ng vaccine fiasco panagutin -Simbahan

Nakiisa ang Simbahang Katoliko sa mga nagnanais na panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan na may sangkot sa P3.5 bilyon anti-dengue vaccine fiasco, na kasalukuyang iniimbestigahan ngayon sa Senado.

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, mahalagang matukoy at mapanagot ang mga government officials na may kinalaman sa isyu.

“We urgently and strongly call for full investigation of this serious matter, prosecution and punishment of previous highest government officials,” giit ng Obispo.

Naniniwala si Santos na ang kapabayaan at pagiging iresponsable ng mga naturang opisyal ay naglagay sa panganib ng may 800,000 mag-aaral sa bansa.

Iginiit pa ng Obispo na ang buhay ng tao ay hindi dapat pinag-e-eksperimentuhan at hindi dapat na masayang lamang dahil sa kawalan ng malasakit at iresponsableng desisyon ng mga opisyal ng gobyerno.

“Life is not an experiment. Life is not trial and error. And life is erroneously lost, wasted by careless and irresponsible decisions of those government officials,” dagdag pa ni Santos.

Nabatid na ang diocese ni Santos ay matatagpuan sa Region 3, na kabilang sa tatlong rehiyon, kung saan itinurok ang Dengvaxia, sa mga kabataaang nagkakaedad ng 9-taong gulang pababa noong taong 2016, kaya’t hindi lamang aniya concern kundi sobrang apektado rin ng naturang isyu.

“We are praying for the safety of our schoolchildren and their sound health. May they be spared from sickness and from heartless people motivated by profit, and personal and political interests,” pagtatapos pa ni Santos.

Nalaman na bukod sa Region 3, nagkaloob rin ang pamahalaan ng Dengvaxia sa National Capital Region at Region 4A, kung saan mataas ang kaso ng dengue. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?