25

Dec 19, 2017 @ 16:54

Nasa laylayan na Atlanta Hawks lusot sa Heat

Sinuwerteng makaalpas ang nasa laylayan ng standings na Atlanta Hawks sa binabagabag naman ng injuries na mga player ng Miami Heat, 110-104, nitong Lunes (Martes, Manila time).

Nagtala ng 24 na puntos si Taurean Prince habang may dagdag na 23 si Dennis Schroder para sa Hawks.

Siyam na manlalaro lang ng Heat ang nasa maayos na kondisyon kung saan may iniindang sakit ang leading scorer nila na si Goran Dragic at sina forward James Johnson at Justise Winslow dahil sa injuries.

Ang center naman nila na si Hassan Whiteside ay 10 na laro nang ‘di nakakalaro sa koponan dahil naman sa pananakit ng kaliwang tuhod.

Nabura ng Miami ang siyam na puntos na kalamangan ng Hawks sa kalagitnaan ng first quarter at mayroong 40-31 lead sa third sa magkasunod na baskets ni Josh Richardson ngunit bumalikwas ang Atlanta sa third para makalamang ng 90-76.

Nagawang maibaba sa isang puntos na lang ng Miami ang lamang sa layup ni Richardson, 1:05 na lang ang natitira sa orasan.

Ngunit nailayo ulit ito ng Hawks sa 106-101.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?