278
sunog31
Jun 27, 2019 @ 16:22
By

Nasa 700 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Mandaue

Walang naitalang namatay pero daan-daang pamilya ang nawalan ng masisilungan sa malaking sunog sa Barangay Tipolo, Mandaue City Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog ala-una ng madaling-araw sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng mag-asawang Mariano at Alma Conchas.

Inuupahan umano ang ikalawang palapag at walang tao rito nang mangyari ang sunog.

Posible umanong naiwang naka-charge na cellphone ang sanhi ng sunog o naiwang niluluto.

Kabilang sa naapektuhan ang mga Sitio Basubas, Maharlika at Espina sa nabanggit na barangay.

Nasa P1.3 million naman ang tinatayang damage ng sunog habang 700 pamilya ang apektado.

Samantala, nagdeklara na ng state of calamity sa Barangay Tipolo si acting Mandaue City Mayor Carlo Fortuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?