21

Jun 27, 2021 @ 11:10
By

Nasa 30 bahay naabo sa sunog sa QC

Naabo sa isang sunog ang nasa 30 bahay sa Project 6, Quezon City nitong Sabado.

Ayon sa mga bumbero, dakong alas-12:40 p.m. ng tanghali sila nakatanggap ng tawag tungkol sa sunog sa Road 7. Malaki na rin daw ang apoy ng abutan nila ito.

Dagdag pa nila, gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis kumalat ang apoy, at umakyat pa nga sa ikatlong alarma.

Nakapaglala rin ng sitwasyon ang kakulangan ng tubig ng mga rumespondeng bumbero, at kakaunti rin ang mga fire hydrant sa lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na sa ikalawang palapag ng isang bahay nagsimula ang apoy.

Nasa 100 pamilya rin daw ang naapektuhan ng sunog, na ngayo’y mananatili muna sa Barangay Project 6 park.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa sunog, na idineklarang under control dakong alas-3:00 p.m. ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?