7

Oct 25, 2020 @ 12:18
By

Nasa 100 Pinoy sa China stranded

Gusto nang umuwi ng nasa 100 Pilipino na stranded sa China, karamihan ay mga seafarer na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Sa isang briefing kahapon, sinabi ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na may ilang mandaragat na ilang linggo nang nananatili sa mga daungan dahil ayaw paalisin ng China ang mga barko nila.

“They are off the ports of China. Kasi nag-iingat ang China against imported cases. At saka ang patakaran dito ay huwag pababain sa barko ang mga nag-iintay na dayuhang seaman,” ani Sta. Romana, Oktubre 24.

Sa mid-November pa aniya posibleng maiuwi ang mga stranded overseas Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?