133

Aug 4, 2021 @ 22:24
By

Nas Daily sinuka ng mga netizen

Binatikos ang Israeli vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilalang si Nas Daily matapos niyang gamitin ang Kalinga tattoo legend na si Apo Whang-Od.

Ito ay matapos pumalag ang apo ni Whang-Od na si Gracia Palicas nang itampok ni Nas Daily ang kanyang lola sa isang online course na Whang Od Academy nito nang walang permiso.

Tinawag ni Palicas na “scam” ang Whang Od Academy at binalaan ang mga netizen na huwag sumali sa paid course tungkol sa ancient tattooing na naka-post sa Nas Academy website.

“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam. My grandmother did not sign any contract with @NasDaily to do any academy. Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang Od and the Butbot Tribe,” saad ni Gracia sa burado nang Facebook post.

Sa ngayon ay inalis na ang Whang Od course sa Nas Academy website matapos birahin ng mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?