90

Aug 5, 2021 @ 22:44
By

Nas Daily nilayasan na ng libo-libong follower

Umabot na sa mahigit 72,000 ang nag-unfollow sa Facebook page ni Israeli vlogger Nuseir Yassin o mas kilalang si Nas Daily matapos mag-alburoto ang mga netizen nang gamitin niya ang Kalinga tattoo legend na si Apo Whang-Od.

Sa datos mula sa CrowdTangle, isang public insights tool na pag-aari ng Facebook, sa loob lang ng dalawang araw (August 4-5) bumaba ng 0.14% ang may 20.92 million followers ni Nas Daily.

Kasunod ito ng pagpalag ng apo ni Whang-Od na si Gracia Palicas nang itampok ni Nas Daily ang kanyang lola sa Whang-Od online tattoo course ng Nas Academy nang walang paalam.

Tinawag ito ni Palicas na isang “scam”.

“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam. My grandmother did not sign any contract with @NasDaily to do any academy. Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang Od and the Butbot Tribe,” saad ni Gracia sa burado nang Facebook post.

Sa ngayon ay inalis na ang Whang Od course sa Nas Academy website matapos birahin ng mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?