153

Nov 1, 2017 @ 9:57

Narvasa ready nang iwan ang PBA

Handang tanggapin ni Chito Narvasa ang anumang desisyon ng PBA Board of Governors, ma-extend man o hindi tapos ng tatlong taon bilang commissioner.

“The PBA Board will act as a whole naman. Kung ano ang gusto ng Board sa kanya alam naman ni Comm (Commissioner Narvasa) ‘yun,” wika kahapon ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial.

Umuugong sa apat na sulok ng liga na hindi na makakakuha si Narvasa ng 2/3 votes ng Board mula sa 12 teams dahil sa panggagalaiti ng ma­yorya sa pag-apruba niya ng San Miguel Beer-Kia trade noong Biyernes.

Nalagak si 2017 top draft pick 6-foot-7 Fil-German Christian Standhardinger sa Beermen at lagpak sa Picanto sina sophomore Rashawn McCarthy, veterans Jay-R Reyes at Ronald Tubid at 2019 first-round pick ng SMB.

Sigurado ang full-backing o boto pa rin para kay Kume Narvasa ng San Miguel Corp. teams SMB, Ginebra at Star, p’wedeng sa KIA na rin pati GlobalPort. Pero si­guradong delikado sa MVP Group na ­kumokontrol sa TNT KaTropa, Meralco at NLEX.

Puwedeng hati o sumama rin sa MVP teams ang mga independent na Alaska, Rain or Shine, Blackwater.

“Ginawa naman ni Comm ang lahat ng makakaya niya sa three years niyang panunungkulan at nasu­nod ang PBA Constitution and By-Laws, na­ging controversial lang ang SMB-Kia trade,” hi­rit pa ni Marcial, na siya ring PBA communications & external affairs head. ­

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?