298

By

Narco-submarine na puno ng cocaine, nasabat ng US Coast Guard

Nilabas ng US Coast Guard ang video kung saan makikita kung paano nilang nahuli ang isang narco-submarine sa karagatan at nakumpiska ang nasa mahigit 17,000 pounds ng cocaine.

Nangyari umano ang insidente noong June 18 sa East Pacific Ocean.

Sa isang minutong video, maririnig ang miyembro ng Coast Guard habang sinisigawan ang semi-submersible vessel at pinatitigil ito.

Matapos ay tumalon ang mga Coast Guard sa submarine-like boat at pinuwersang buksan ang takip nito kung saan nalantad ang mga smuggler na nasa loob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?