113

By

Narco list mula Metro Manila, Calabarzon, Visayas, isusunod ni Digong

Isusunod ng Malacañang na ilabas sa publiko ang mga pangalan ng narco politicians mula sa Metro Manila, Calabarzon at Visayas.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos isapubliko Huwebes ng gabi ang partial list ng mga politikong sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo na iniimbestigahan pa nila ang mga nasa listahan at hiniling nito na ire-validate ang impormasyon laban sa mga ito.

Ayon sa Presidente, talamak ang problema sa Metro Manila at Calabarzon area kaya kailangang makasiguro sa mga impormasyong natatanggap nila laban sa mga halal na opisyal na sangkot sa illegal drug trade.

“We will continue to investigate the guys in the Visayas, especially in the Greater Manila Area and the Calabarzon. These are heavily contaminated. But any initial announcement now would I think be counter-productive. So limitahan muna natin,” anang Pangulo.

Pero sinisiguro ni Pangulong Duterte na ilalabas nila ang natitirang pangalan sa narco list kahit pa sa mismong araw ng eleksiyon, kapag na-revalidate na ang mga ito.

“We might decide even on election day. If we can. I ask for a revalidation just to make sure that the rules of fair play comes into play,” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin muli ng Pangulo na ang natitirang tatlong taon ng kanyang termino ang magiging pinakamapanganib para sa mga taong sangkot sa drug trafficking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?